Thursday, October 9, 2008

Ang Gabi, Ang Dagat, at Ang Pusong Nagdurusa

Ang dilim ng gabi'y nakikiramay
sa aking pagdadalamhati.
Ang mga tala at buwan
ay 'sing lungkot ng aking mga mata.
Ang hampas ng alon ay nakikisabay
sa aking pagdaing.
Ang karagatan nama'y siyang sumasalamin sa dilim.

Paano malilimutan
ang mapait na nagdaan?
Paano mapupukaw
ang masakit na karanasan?
Kung walang kukupkop
sa pusong nagdurusa.
Kung walang makikisama
sa nag-iisang kaluluwa.

-Yohann

No comments: